Barangay kagawad itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga kaya tinambangan at napatay ang 42-anyos na barangay kagawad sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur kamakalawa.? Walong bala ng cal. 45 at cal. 9mm pistol ang tumapos sa buhay ni Kagawad Antonio Cabalbag Cudiamat ng Barangay Panipin sa nasabing bayan.? Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Simon Damulkis, hepe ng Sta. Cruz PNP, pauwi na ang biktimang sakay ng kanyang tricycle nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan pagsapit sa Barangay Suyo.? Sa tala ng pulisya, ang biktima ay nasa drug watchlist kung saan may ilang linggo nang sinusubaybayan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) bago naganap ang pamamaslang.?

Show comments