Dealer ng paputok, nilikida

BULACAN, Philippines - Napatay ang 52-anyos na dealer ng firecrackers matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Batia, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng umaga. Limang tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Augusto Dawal ng Northville 5 sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na nakilala sa alyas Eddie/Kapay. Sa ulat ni PO3 Francis Ramos,  kinompronta ng suspek ang biktima kaugnay sa bentahan ng paputok  kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaril. Gayon pa man, nagawang makatakbo ng biktima kahit sugatan subalit hinabol siya ng gunman saka muling pinutukan.

Show comments