Trike vs truck: 2 pisak

BULACAN, Philippines — Kinarit ni kamatayan ang isang driver at pasahero nito habang da­lawa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang sumalpok ang tricycle sa isang trailer truck sa kahabaan ng intersection ng Brgy. Parulan, Plaridel, Bulacan kama­kalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival  sa pagamutan ang mga biktimang sina RJay Rio­malos, 20, driver at Patrick Lazaro, 19 , sanhi ng grabeng mga sugat na tinamo sa kanilang mga katawan.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang mga nasugatang biktima  na sina John Paulo Lazaro at Mel Jhon Dionisio,  kapwa 17-  anyos na mga residente ng Brgy. Santor sa Malolos City.

Isinailalim naman sa kustodya ng pulisya ang driver ng truck na si Armando Obiasca­, 52, ng Brgy. Gabihan sa bayan ng San Ildefonso na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Allen Lopez dakong alas-11:30 ng gabi, kasalukuyang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Brgy. Parulan lulan ng tricycle na Racal ( 4743-IC ) habang tinatahak naman ng suspek na nagmamaneho ng Isuzu trailer truck ( RAH-963) ang direksyon  ng bayan ng Pulilan  nang magbanggaan ang mga ito sa madilim na bahagi ng  naturang highway. 

 

Show comments