Mag-utol nilamon ng dagat, 1 pa kritikal

Tuguegarao City, Philippines — Nauwi sa trahedya ang isang masayang bakasyon makaraang malunod ang isang mag-utol habang nasa kritikal namang kon­disyon ang anak na dalaga ng isa sa mga ito sa isang beach resort sa Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Anatoly Viloria, imbestigador sa kaso ang nasawi na sina Randy Capulong, 39-anyos at kuya nitong si Rex Ca­pulong ng Maligaya Sub­division, Quezon City.

Samantalang, nakiki­pagbuno naman kay ka­matayan ang 19-anyos na anak na dalaga ni Rex na si Darlene Capulong na isi­nugod sa Cagayan Valley Medical Center sa lungsod ng Tuguegarao. ?

Ayon kay Viloria, nagbabakasyon ang pamilya ng mga biktima sa bahay ng isa sa mga kapatid nito na  naninirahan na sa nasabing bayan.

Nabatid na nilamon ng malakas na alon ang mga biktima habang nagla­langoy sa dagat.

Gayunpaman, nakuha naman agad ng mga res­cuers ang tatlo na magka­kapit-bisig pa nang iniahon sa pampang.

Nabigo namang ma­isalba ang buhay ng mag-utol dahil sa rami ng tubig na nainom ng mga ito.

Show comments