BULACAN, Philippines - – Tinatayang aabot sa P.3 milyong cash ang nalimas matapos holdapin ang mag-asawang trader ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Enrique Malubay, 46; at Delia Malubay, 46, kapwa nakatira sa Brgy. Pinagbarilan sa bayan ng Baliwag, may-ari ng Pipol Manpower Agency. Sa imbestigasyon ni PO1 Almario Santos, nag-withdraw ng malaking halaga sa banko ang mag-asawang lulan ng SUV nang lapitan at holdapin ng tandem pagsapit sa gate ng kanilang kompanya. Hindi na nakapalag ang mag-asawa at maging ang kanilang driver na si Danilo Peralta. Tinangay ng tandem ang backpack na naglalaman ng malakaing halaga ng mag-asawa saka tumakas sa direksyon ng Baliwag, Bulacan.