Nene utas sa salpok ng dyipni

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Patay ang 6-anyos na nene matapos mabundol ng pampasaherong jeepney sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Balatucan, bayan ng Mobo, Masbate kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Juliana Rose Pudol habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng jeepney na si Edison Cautiber, 43, ng Barangay Miaaga sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa eskuwelahan nang mahagip ng jeepney (EVV837) habang ito ay tumatawid. Kaagad naman sinaklolohan ng driver ang biktima para dalhin sa nasabing ospital subalit namatay din ito.

Show comments