4 grabe sa salpukan ng 2 bike

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Apat-katao ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Rafael, bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas PNP ang mga sugatang sina Alvin Hernandez, Jenifer Mayo, 31; Bernie Palermo, 34; at ang isang menor-de-edad, kapwa nakatira sa Barangay Rang Ayan sa nabanggit na bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na binangga ng motorsiklo ng menor-de-edad ang likurang bahagi ng motorsiklo ng grupo ni Hernandez. Tumilapon ang apat na may ilang metro sa highway kung saan naisugod naman sa Cagayan Valley Medical Center habang patuloy naman ang imbestigasyon. ?

Show comments