Magsasaka, mangingisda nilikida

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Masbate kahapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Nilo Capillas, 44,, magsasaka at nakatira sa Sitio Cabygao, Brgy. Ki Romero sa bayan ng San Pascual, Masbate; at Jose Cardino, 42, mangingisda, at nakatira sa Barangay Poblacion, Claveria, Masbate. Sa ulat ng pulisya, si Capillas na lulan ng motorsiklo ay tinambangan at napatay ng mga di-kilalang lalaki pagsapit sa liblib na bahagi ng Barangay Mabini sa bayan ng San Pascual. Samantala, si Cardino ay sinaksak at napatay ng kanyang kainumang si Allan Baguio habang nakikipag-inuman sa kanilang mga kaibigan sa Sitio Paraiso sa nasabing barangay.

Show comments