Doktor inutas ng holdaper

CAVITE, Philippines – Binaril at napatay ang 54-anyos na doktor ng mga di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang holdaper na panibagong karahasang naganap sa kahabaan ng Governors’ Drive sa Barangay Tanauan, bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Dr. Rolando Custodio ng # 382 Barangay San Nicolas, Bacoor City, Cavite.  Ayon kay P01Joel Mendoza, bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktimang nakagapos, naka-blind fold at may tama ng bala ng baril sa ulo sa loob ng Starex van na may plakang plate WFF-535. May posibilidad na hinol­dap ng mga armadong lalaki ang biktima na nawawala ang mga personal na gamit, alahas, at pera kung saan narekobder naman sa van ang dalawang basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments