Jailbreak: 8 preso pumuga

QUEZON, Philippines - Walong preso ang nakapuga sa Gumaca District Jail habang bumubuhos ang malakas na ulan sa naganap na jailbreak sa bayan ng Gumaca, Quezon kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga pumuga ay nakilalang sina Arguelles Mergenio na may kasong murder; Freddie Nicol (murder); Joseph Alvarez, Zeus Nierva (robbery), Joel Senosini (frustrated murder), Anthony Revilla (murder), Geralddel Cruz (robbery with murder), at si Pacuan Villa na may kaso namang attempted murder. Sa inisyal na imbestigasyon, nagawang makatakas ang walong preso matapos lagariin ang rehas na bakal ng selda sa likurang bahagi. Inilunsad ng BJMP katuwang ang Quezon PNP Provincial Office ang malawakang pagtugis sa mga preso habang namimiligro namang masibak sa tungkulin ang mga opisyal at guwardiya ng nasabing piitan dahil sa kapabayaan.

Show comments