MANILA, Philippines – Walang nagawa ang mga awtoridad kung hindi ay gumamit ng puwersa laban sa isang kapitan ng barangay sa Midsayap, Cotabato.
Tumanggi si Barangay Olandang chairman Ibrahim Simpal na halughugin ng Special Operations Group ng Region 12 police office ang kanyang bahay na pinaniniwalaang may mga armas at droga.
Unang nagpaputok si Simpal sa mga pulis kaya naman napilitan silang bumawi na ikinasawi kaagad ng kapitan.
Ayon sa hepe ng Midsayap municipal police na si Supt. Reynante Delos Santos, armado ang mga pulis ng search warrant at hiwalay pang court order para sa pag-aresto kay Simpal para sa kasong multiple murder at frustrated murder.
“Instead of yielding peacefully, he shot the policemen approaching his house, precipitating a brief encounter,” wika ni Delos Santos.
Nakuha sa bahay ng suspek ang isang M4 caliber 5.56 assault rifle, M-16 armalite, dalawang kalibre .45 at isang shotgun.