Magkakaibigan niratrat

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang napagtripang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen ang magkakaibigang naglalakad kung saan isa ang namatay habang malubha naman ang kasama nito sa kahabaan ng  FS Pajares Avenue sa Barangay Santiago, Pagadian City kamakalawa ng madaling araw. Napuruhan sa ulo si Joenel Vallejo habang malubha naman si Joel Torres kung saan nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Maria Mancia. Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang magkakaibigang  naglalakad nang harangin at ratratin ng tandem. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments