MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pagpalpak sa pangagamot kaya niratrat at napatay ng di-kilalang lalaki ang 55-anyos na biyudong faith healer sa Barangay Barubuhan, bayan ng Sominot, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ng bala ang shotgun ang biktimang si Damaso Andales ng Purok 2 sa nabangit na barangay. Sa phone interview, sinabi ni P/Inspector Felixberto Briones, hepe ng Sominot PNP, naganap ang krimen may 30-metro ang layo sa bahay ni Trinidad Superales kung saan kukunin sana ng biktima ang kaniyang jacket nang harangin at pagbabarilin. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa pagsasagawa ng faith healing ang biktimang marunong din gumamot ng kulam at marunong din mangkulam.