^

Probinsiya

Doktor inutas ng pasyente

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang isang orthopedic surgeon matapos itong pagbabarilin ng 72-anyos na naka-wheelchair na pasyente bago nag-suicide sa Sacred Heart Hospital sa Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Dr. Cris Cecil Abbu na nasapul ng tama ng bala sa dibdib at namatay habang ginagamot sa emergency room ng nasabing pa­gamutan.

Nakilala naman ang pasyente na si Wilfredo Sabonsolin, dating seaman na namatay din matapos na magbaril sa sentido gamit ang cal. 38 revolver.

Sa ulat ng Cebu City PNP na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen sa klinika ng biktima sa nasabing pagamutan sa Urgello Street, Barangay Sambag II bandang alas-9 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang out-patient na si Sabonsolin sa klinika ng doktor upang magpa-checkup muli matapos ang apat na beses na ope­rasyon kung saan tinapat na ito ng biktima na wala na itong pag-asang makalakad dahil matindi ang problema ng matanda sa kaniyang spinal cord.

Dahil sa matinding de­pres­yon ay biglang binunot ng nasabing pasyente ang nakatago nitong cal. 38 revolver at binaril ang doktor sa dibdib.

Nabulabog naman ang mga hospital staff at mga pasyente sa nasabing pa­gamutan matapos na makarinig ng putok ng baril mula sa klinika ni Dr. Abbu.

Gayon pa man, ilang minute ang nakalipas matapos na barilin ang doktor ay nag-suicide naman ang pasyenteng si Wilfredo.

Ikinordon naman ng mga  operatiba ng Cebu City PNP ang crime scene habang patuloy ang imbestigasyon.

 

BARANGAY SAMBAG

CAMP CRAME

CEBU

CEBU CITY

DR. ABBU

DR. CRIS CECIL ABBU

SACRED HEART HOSPITAL

URGELLO STREET

WILFREDO SABONSOLIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with