Babae niratrat sa kalsada

NORTH COTABATO , Philippines  – Pinaniniwalaang droga ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang isang babaeng inabandona sa gilid ng kalsada sa Barangay Tual, bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat kahapon ang umaga. Ayon kay P/Inspector Reynaldo Bobon, deputy chief ng President Quirino PNP, bineberipika pa ang pagkakakilanlan sa biktimang nasa edad 38 hanggang 40,may taas na 4’9, katamtaman ang haba ng buhok at pangangatawan nito at nakaputing sleeveless, pink na jacket, naka-leggings na blue na may itim na dotted. Apat na tama ng bala ang nakita sa katawan ng biktima partikular na sa dibdib, tiyan, paa at kamay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments