3 minasaker sa inuman

CAVITE , Philippines  -  Tatlo-katao ang napatay habang dalawa naman ang sugatan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa  Barangay Pradahan 1, bayan ng Tanza, Cavite noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Carlo Inocencio, 45. retired Phil Navy; Alyssa Deth  Gutier­rez, 12, estudyante; at si Reynaldo Enterio,  54, mga nakatira sa nasabing barangay.

Samantala, sugatan naman sina Carl Angelo Inocencio, 18; at isang nagngangalang Jesus na kapwa nakatira sa nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Emilio “Jommel Burdado” Requijo,  John Ross Requijo, kapwa nakatira sa Blk 4 Lot 5 Phase 2 Belverde Subd., Brgy Paradahan 1; Lucas “Dingdong” Giray, Angel Dino, Erdie Sadsad, Patrick Mallari, pawang nakatira sa Barangay Pasong Kawayan, bayan ng General Trias, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P01 Julius Cesar Torres, nag-i­inuman sina Inocencio at Enterio nang pagbabarilin ng mga suspek.

Nadamay ang 12-anyos na batang natutulog habang nakaligtas naman si PO1 Sybel Blanguera ng Kawit PNP.

Show comments