3 timbog sa shabu session

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang tatlong katao kabilang ang isang babae matapos na maaktuhan  ng mga awtoridad na nagsasagawa ng  shabu pot session sa  Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng mga suspek na sina Josephine “Joy”  Soriano, 40, Julius Laguna, 30 kapwa residente ng Brgy. Malhacan sa siyudad na ito at Carlos Acuña 42,mananahi ng Brgy. Sta.Ines sa bayan ng Plaridel.

Base sa ulat ni P/Supt. David Poklay dakong ala- 1:15 ng hapon ay isang residente ang nagulat sa pulisya hinggil sa naga­ganap na pot session sa bahay ng isang alyas Joy na nasa Little Grace Park, Barangay Malhacan at ng makumpirma ay dito na pinasok ang bahay na nag­resulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Narekober sa loob ng bahay ang apat na sachet ng shabu at mga drug pa­raphernalia.

Naghihimas na ng rehas na bakal ang mga suspek.

 

Show comments