State of calamity idineklara sa Bataan

BALANGA CITY, Bataan , Philippines   – Nilagdaan na kahapon ni Bataan Governor Albert  Raymond Garcia ang pagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan ng Bataan kaugnay ng pinsalang idinulot ng bagyong Glenda. Umaabot na sa 70 porsiyento ang mayroong ilaw sa kasalukuyan habang patuloy naman kinukumpuni ng Penesula Electric Company ang iba pang linya ng kuryente. Kaagad namang mino-monitor ni Nellin Cabahug ng Department of Trade Industry (DTI) ang kalagayan ng presyo ng mga pangunahing produkto sa nasabing lalawigan. Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa apat-katao ang namatay, 22 katao ang sugatan, samantalang umabot sa 26,760 pamilya ang naapektuhan mula sa 54 barangay sa 11 bayan at isang lungsod sa Bataan. Samantala, inihahanda na ng Provincial Social Worker Development Office sa pangunguna ni Marilyn Tigas ang pag-iimpake ng relief goods para sa mga naapektuhang pamilya.

 

Show comments