Van vs trike: 4 patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao ang sinalubong ni kamatayan matapos salpukin ng  passenger van ang kasalubong na traysikel sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Appas, Tabuk City, Kalinga kamakalawa ng gabi.?

Kinilala ni SPO1 Ramon Mamanteo ang mga namatay na estudyanteng sina Michael Bactad, Jomel Lacuarta, Abehgail Belgica at ang driver ng trike na si Marco Tamayo.

?Kritikal namang naisugod sa Kalinga provincial Hospital si Shanee Mae Belgica na isa rin pasahero at utol ng isa sa mga namatay.?

Lumalabas sa imbestigasyon na nang-agaw ng linya ang passenger van matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan nang matumbok nito ang kasalubong na traysikel.?

Ayon sa mga saksi, hindi huminto ang van at tuluy-tuloy na kinaladkad ang trike ng 39-metrong layo hanggang sa mahulog ito sa palayan sa gilid ng kalsada.?

Samantala, pinagha­hanap ng pulisya ang sinasabing driver ng van (BVS 594) na si Kerubin Winnie Banosan.

 

Show comments