Holdap: P.1-M tangay sa trader

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines  – Umaabot sa P.1 milyong cash ang nalimas sa 59-anyos na trader matapos itong holdapin ng dalawang di-kilalang lalaki sa harapan mismo ng kanyang bahay sa Barangay Vira, bayan ng Roxas, Isabela kamakalawa. Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na naghihintay na pagbuksan ng kanyang kasambahay ang biktimang si Elizabeth Santos sa harap ng sariling bahay nang lapitan at holdapin ng dalawang nakamotorsiklo. Mabilis na tinangay ng mga holdaper ang P.1 milyong cash na hawak ng biktima at mga alahas nito. Nabatid na galing ang biktima sa kanyang minimart nang ito ay umuwi, bitbit ang malaking halaga.

Show comments