Beautician pisak sa truck

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Pisak ang ulo at namatay ang 55-anyos na beautician matapos masagasaan ng delivery truck sa Barangay Bugallon, Proper, bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa.? Kinilala ni P/Chief Insp. Juancho Alloba, hepe ng Ramon PNP ang biktima na si Florencia Ariola ng Barangay San Miguel sa nasabing bayan.? Sa pagsisiyasat ng pulisya, bigla na lamang lumabas sa kalye ang biktimang nakamotorsiko kung saan nahagip naman ng truck na minamaneho ni Gilbert Corpuz. Ayon kay Alobba, hindi pa masyadong marunong magmotorsiklo ang biktima kaya naganap ang sakuna habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck.

Show comments