Shootout: 2 holdaper dedo

BULACAN , Philippines   – Napatay ang dalawang armadong holdaper na lulan ng motor­siklo makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan ng Calumpit, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, tina­ngay ng dalawang holdaper ang handbag ng biktimang si Lea Pati sa bahagi ng Calle Bungo sa nasabing barangay.

Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa nagpapatrolyang pulis kaya nagkahabulan kung saan nauwi sa bakbakan hanggang sa mapatay ang dalawang holdaper.

Narekober sa mga napatay na holdaper ang dalawang cal. 38 revolver, motorsiklo na ginamit sa panghoholdap at ang handbag ng biktima.

 

Show comments