CEBU , Philippines – Posibleng may matinding problema ang 47-anyos na magsasaka kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos sunugin ang kanyang sarili sa Barangay Napo, Carcar City, Cebu kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roger Gemuta kung saan ginamit sa panununog sa kanyang sarili ang mga tuyong dahon ng niyog at talahib. Ayon kay PO2 Allan Villasorda ng Carcar PNP, huling namataang buhay ang biktima na nag-iisang nagtungo sa kanyang palayan sa Upper Taclod para pakainin ang alagang kambing. Nag-alala ang mga kaanak ng biktima dahil sa kumakalat na ang dilim ay hindi pa ito umuuwi kaya sinundo ng kanyang pamangking si Jonathan Genandoy noong Sabado. Dito namataan ni Genandoy ang kanyang tiyuhin na sinilaban ang mga nakapaligid na talahib at dahon ng niyog sa katawan. Nabigo namang maisalba ang biktima.