Jail guard utas sa tandem

BULACAN, Philippines --- Nasawi  noon din ang jail guard ng Bulacan Provincial Jail matapos na tambangan ng dalawang lalaking motor­cycle riding gunmen sa kahabaan ng Brgy. Poblacion, Guiguinto, Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay matapos na isugod sa Bulacan Medical Center ang biktima na si Mario Dela Cruz 49, residente ng Bliss Housing sa Brgy. Tabe sa naturang bayan .

Base sa imbestigasyon ni PO3 Michael Joseph Sales dakong alas 5:20 ng umaga, kasalukuyang bumabagtas ang biktima lulan ng Volkswagen Beetle (NFY-627) upang pumasok sa trabaho ng harangin at ratratin ng riding in tandem na mga salarin.

Narekober sa loob ng sasakyan ng biktima ang pag-aaring .45 kalibre na baril at mga magazine nito kabilang ang personal na kagamitan habang nakatutok ang imbestigasyon sa anggulong may kinalaman sa  trabaho nito  bilang jail guard.

 

Show comments