Sanggol itinapon sa kalsada

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa bagong silang na sanggol matapos itong itapon ng kanyang ina sa gilid ng kalsada sa Barangay Alino, bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa ng gabi. Bandang alas-7 ng gabi nang natagpuan ng mga estudyante ang bangkay ng sanggol na nakabalot pa sa tela kung saan inabandona sa tabi ng kalsada. Kaagad namang ipinaabot sa pulisya ang nadiskubreng patay na sanggol na nakakabit pa ang ambilical cord kung saan dinala sa kinuukulang ahensya ng lokal na pamahalaan para sa disposisyon.

Show comments