LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Napaslang ang misis ng opisyal ng Camarines Sur Electric Cooperative II makaraang hatawin ng mga di-kilalang lalaki na nanloob sa kanilang bahay sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nilooban ang tinutuluyang apartment ng biktimang si Goyena Grajeda na nasa harapan ng Naga City Metropolitan Cathedral. Hinataw sa ulo ng bote ng alak ang biktima saka nilimas ang mga personal na gamit ng mag-asawang Grajeda habang patuloy naman ang imbestigasyon.