Lider ng vigilante, itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Pinabulagta ang 37-anyos na lider ng grupong Pilipinista Alpha and Omega Vigilantis Fighter makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng umaga sa Villaganas Village, Barangay Panan-awan sa bayan ng Cawayan, Masbate. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Joel Guarina ng Barangay Libertad sa bayan ng Uson, Masbate. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na kaangkas ng biktima sa motorsiklo ang kanyang mag-ina nang ratratin ng mga rebelde pagsapit sa nasabing barangay. Nakaligtas naman ang mag-ina subalit namatay ang biktima matapos niyang balikan ang mga rebelde na sangkot sa pamamaril sa kanila.

Show comments