Tiyuhin dinedo ng pamangkin

NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang 46-anyos na laborer makaraang barilin mismo ng kanyang pamangkin sa harapan ng Social Hall sa Barangay Estado, bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP, kinilala ang biktima na si Alberto Candole Eglisia habang pinaghahanap naman an suspek na si Mario Eglisia, 35, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon ng di-pagkakaintindihan ang magtiyuhin habang nakatayo sa harapan ng nasabing lugar hanggang sa nauwi sa pamamaril. May teorya ang pulisya na personal grudge ang isa sa motibo ng suspek kaya isinagawa ang krimen.

 

Show comments