Magsasaka pinaluwa ang bituka

QUEZON , Philippines   - Nawakwak ang dibdib at lumuwa ang bituka ng 35-anyos na magsasaka makaraang karitin at pagsasak­sakin ng kapwa magsasaka dahil sa pagtatalo sa iniinom na alak sa Barangay San Juan, bayan ng Tiaong, Quezon, kamakalawa ng umaga. Namatay agad sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Ponciano Arias, may-asawa, ng Barangay San Austin habang pinaghahanap ng pulisya ang tumakas na suspek na si Wilfredo Masilang ng Barangay San Francisco. Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang suspek at biktima sa bahay ng kaibigan nang sumiklab ang pagtatalo matapos maubos ang alak. Inakusahan ng suspek ang biktima na umubos ng alak kaya nauwi sa pananaksak at pananaga.

Show comments