2 utas sa pamamaril sa Bukidnon

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay sa pamamaril ng hinihinalang hired killer sa Purok 4, Barangay Laligan sa Valencia City, Bukidnon.

Kinilala  ang mga biktima na sina Joseph Pastrano, 40 at Rochelle Emelen, 30.

Sa pagsusuri ng mga pulis, sinabi ng isang Demy, kapatid ni Pastrano na nakarinig sila ng putok ng baril sa labas ng kanilang bahay at nang lumabas ay nakita ang biktima na nakahandusay sa lupa na may tama ng bala ng baril.

Makaraan ang pamamaril, agad namang nakahingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa mga kapitbahay dahilan para maaresto ang dalawa sa mga suspek na nakilalang sina Leo Sobrano at isang alyas ‘Edgar’.

Si  Sobrano ay nakakulong na sa Bukidnon jail habang si Edgar ay ginagamot sa isang pagamutan doon makaraang magbaril ito sa sarili bago arestuhin. Sinasabing away sa lupa ang ugat ng naturang krimen.  

 

Show comments