CAMARINES NORTE , Philippines - Nagwakas ang mahabang panahong pagtatago ng dalawang wanted sa kasong murder makaraang masakote sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Camarines Sur at Camarines Norte kamakaÂlawa. Kinilala ang dalawang nasakote na sina Fernando Custodio, 56, ng Barangay Tuaca, bayan ng Basud, Camarines Norte; at Jose Egloso, 51, ng La Purisima Nuevo sa bayan ng Ocampo, Camarines Sur. Sa tala ng pulisya, si Custodio na may kasong murder sa bayan ng Lupi ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Salvador G. Cajot ng Libmanan Regional Trial Court, Branch 57 sa Camarines Sur. Samantala, si Egloso na sinasabing nagtago ng 12-taon ay nasakote sa bayan ng Ocampo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Fred G. Gimena ng Irosin Regional Trial Court, Branch 55 ng Sorsogon.