2 patay sa road mishap

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Dalawa-katao kabilang ang retiradong principal ang namatay habang tatlo naman ang nasugatan sa naganap na sakuna sa kahabaan ng highway sa Barangay Rizal, bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Rotolo Gebilaguin, 77, biyudo, reteradong principal; at Romeo Nuñez, 20, ng Barangay Roosevelt sa bayan ng San Jacinto, Masbate. Sugatan namang isinugod sa Ticao District Hospital sina Joven Almancion, 13; Bryan Dejumo,17; at si Arjay Dejumo,19. Sa ulat ng pulisya, naglalakad sa gilid ng kalsada si Gebilaguin nang mahagip ng motorsiklo ni Nuñez na kaangkas ang tatlong nasugatan. Sumemplang ang motorsiklo matapos mahagip ang retiradong principal kung saan namatay din si Nuñez na ihahatid sana sa bayan ng San Jacinto mula sa Barangay Freal ang tatlong sugatan.

Show comments