Mag-asawa grinipuhan ng fish vendor

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - – Nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-asawang namimili ng isda makaraang saksakin ng tindero dahil sa pagtatalo sa presyo ng bilihin kahapon ang umaga sa Barangay Macalaya, bayan ng Castilla, Sorsogon. Kinilala ang mag-asawang naisugod sa Vicente Peralta Memorial Hospital na sina Romeo Legazpi Jr. at Wilma Legazpi na kapwa nakatira sa nasabing bayan. Nasakote at pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Edgar Magdaong, 44, ng nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya, bibili sana ng isda ang mga biktima sa asawa ng suspek  subalit masyadong mataas ang presyo kaya sumiklab ang pagtatalo. Narinig naman ng suspek ang tinuran ng mga biktima sa kanyang asawa kaya nagpanting ang tenga nito at kinompronta ang mag-asawa na nauwi sa pananaksak.

Show comments