Magbiyenan arestado sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Kalaboso ang binagsakan ng magbiyenan  matapos masamsam ang tatlong plastic sachets ng shabu na nakabaon sa suwelas ng tsinelas na tinanggap nila mula sa isang door-to-door delivery service sa Barangay Centro 8, bayan ng Aparri, Cagayan kamakalawa. 
Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Mina Domingo, hepe ng Aparri PNP ang mga suspek na sina Paulalyn Magtalas, 21; at biyenan nitong tricycle driver na si Perfecto Rabaja Jr., 47, mga nakatira sa Barangay Macanaya sa nasabing bayan. 
Ayon kay Domingo, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa pagbagsak ng shabu sa pamamagitan ng pagpapadala ng package ng tsinelas sa sangay ng LBC Express courier sa nasabing bayan na nakapangalan kay Magtalas. Agad namang ipinalabas ni Judge Conrado Tobacco ng Regional Trial Court ang commitment order kaya dinakma ang mga suspek. Nasamsam ng pulisya ang mga shabu matapos nagpositibo ang package na ipinaamoy ng pulisya sa K9 dog units.


Show comments