Ambush: 2 negosyante sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  - Dalawang fish dealer ang nasugatan matapos ratratin ng mga armadong kalala­kihan sa kahabaan ng highway sa Barangay Naganacan, bayan ng Sta. Maria, Isabela kamakalawa. 
 Sa police report na nakara­ting kay Isabela PNP director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., pinagbabaril ng armadong grupo ang truck nina Eduardo De Guzman, 42, ng Bustos, Bulacan at Edgar Rigor, kapwa negosyante makaraang hindi huminto sa inilatag na checkpoint sa gitna ng highway. Kaagad naman nagtungo ang dalawa sa himpilan ng pulisya para humingi ng tulong kung saan naisugod naman sa ospital. Nagsagawa ng malawakang pagtugis ang pulisya laban sa mga armadong lalaki na bumibiktima ng mga motorista partikular na ang mga negosyante sa nasabing bayan.

 

Show comments