3 patay sa atake ng Sayyaf

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang napatay makaraang makasagupa nito ang mga bandidong Abu Sayyaf Group sa bayan ng Al-Barka, Basilan noong Sabado ng umaga.

Kabilang sa mga napatay ay sina kumander Basir Kasaran ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Basilan; Misuari Suri at Anwar Malik na kapwa miyembro ng MNLF.

Sinasabing bukod sa pagiging supplier ng mga armas sa mga bandido, pinaniniwalaang kontrolado rin nito ang grupo ni Nurhassan Jamiri at Musana Jamiri na may 30 hanggang 40-miyembro.

Ayon kay Lt. Col. Charlie Galvez, kumander ng 104th Infantry Brigade, nag-ugat ang sagupaan nang atakihin ng grupo ng Sayyaf ang kampo ng MNLF sa bayan ng Cohon Leddu bandang alas-6 ng umaga.

Tumagal ng mahigit isang oras ang bakbakan kung saan natigil lamang matapos rumesponde ang mga sundalo ng 18th Infantry Battalion ng Phil Army.

 

Show comments