Binatilyo nalunod

CAVITE, Philippines - Isang 17-anyos na binatilyo ang nakitang palutang-lutang ang bangkay matapos itong malunod sa karagatan ng bayan ng  Rosario, Cavite kahapon.


Dakong 6:20 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Ronald Perez, 17, mangingisda ng Brgy. Amaya 7, Tanza, Cavite.


Ayon sa ama ng biktima na si Rolando, huling nakitang buhay ang kaniyang anak habang nakikipag-inuman sa kaniyang mga kasamahang mangingisda sa Brgy. Amaya 7 malapit lamang sa kanilang tahanan .

Sa pahayag ng kaniyang mga kaibigan ng mala­sing umano ang biktima ay nagpumilit itong maligo sa dagat ng mag-isa pero sa kasamaang palad ay hindi na umahon pa.

Kinabukasan na natagpuan sa kalapit bayan ng Rosario sa Brgy. Wawa 1 ang katawan ng biktima na wala ng buhay.

Show comments