Magkaibigan dedo sa ambush

BATAAN, Philippines - – Pinabulagta ang magkaibigang lulan ng motorsiklo makaraang tambangan ng dalawang di-kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng Sitio Bangad, Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Orion, Bataan noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Mario Auguis Polistico, 41, barbero, ng Balanga City; at Eliseo Cidenio, 42, cook at nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Audie Atienza, pauwi na ang mga biktimang magkaangas sa motorsiklo mula sa kanilang trabaho nang pagbabarilin sa kahabaan ng Camino Road bandang alas-11 ng gabi. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala na cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon ni PO3 Johnny Sienen.

Show comments