Ama nagpakamatay dahil sa cancer

CAVITE, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 66-anyos na ama na sinasabing may cancer makaraang itong magbaril sa sarili sa kanyang bahay sa Barangay Buna Cerna, bayan ng Indang, Cavite kamakalawa ng tanghali. Huling namataang buhay ang biktima na inanyayahang mananghalian ng kanyang misis subalit tumanggi ito at nagkulong sa kuwarto. Ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan nagbaril sa sarili ang biktima. Narekober ang cal. 38 revolver na ginamit ng biktima.

Show comments