^

Probinsiya

MILF vs MNLF: 100 nagsilikas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  â€“ Umaabot sa 100 residente ang nagsilikas habang isa naman ang napatay makaraang magsagupa ang armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Sitio Mateo, Barangay Manubuan sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng kahapon.

Kinilala ni SPO1 Froilan Gravidez ang napatay na si Mentato Galangan, 27, habang aabot sa mahigit 100 residente ang lumikas mula sa kanilang tahanan matapos marinig ang serye ng putukan ng magkabilang grupo.

Nabatid na pinangunahan ni Kumander Mano Sandab ang grupo ng MNLF laban sa grupo ng MILF ni Kumander Oscar Matiagal kung saan umabot sa 20 minuto ang nasabing bakbakan. Agad namang rumesponde ang Matalam PNP sa pagpapalikas sa mga residente para hindi madamay sa nagaganap na bakbakan.

Kasalukuyang nasa Matalam Municipal Gym ang mga residenteng naapektuhan habang patuloy naman ang pagtulong ng Matalam Municipal Social Welfare and Development Office.

 

BARANGAY MANUBUAN

FROILAN GRAVIDEZ

KUMANDER MANO SANDAB

KUMANDER OSCAR MATIAGAL

MATALAM

MATALAM MUNICIPAL GYM

MATALAM MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

MENTATO GALANGAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with