TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang magulungan ng truck sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Lapting, bayan ng San Juan. Ilocos Sur noong Sabado ng gabi. Kinilala ni SPO1 Romulo Aguilar ang mga namatay na sina Daryll Valledor, 22; at Lindel Villon, 19, kapwa nakatira sa Barangay Lapting. Kritikal naman si Dennis Urbayo, 32, konduktor ng bus at nakatira sa bayan ng San Juan. Imbestigasyon ng pulisya, tinangka ni Urbayo na mag-overtake sa sinusundang truck ni Vincent Baltazar ng Piddig, Ilocos Norte sa kabilang linya subalit sa halip ay nakasalpukan ang motorsiklo ni Valledor. Tumilapon sina Valledor at Villon mula sa kanilang motorsiklo kung saan nasagasaan naman ng truck ni Baltazar. Tinangkang takasan ni Baltazar ang mga biktima subalit nasukol ng pulisya sa sumunod na bayan ng Sinait.