Mag-ama, pamangkin nalunod sa resort

BATANGAS, Philippines - – Magkakasabay na namatay ang mag-ama at isa pang kaanak nila matapos lamunin ng dagat sa beach resort sa bayan ng Calatagan, Batangas noong hapon ng Araw ng Kalayaan.

Kinilala ang mag-amang sina Ronald Cordero, 45; Therese Maria Cordero, 18, mga residente ng Sun Valley Subd. Parañaque City at pamangkin na si Hosea Jizo Pinto, 17, ng Taft Avenue, Manila.

Nabatid na dumayo ang mga biktima sa private beach resort ng kanilang kamag-anak sa Barangay Bagong Silang para mag-swimming nang biglang tangayin ng malakas na alon habang naglalakad sa breakwater bandang alauna y medya ng hapon.

Naisugod pa sa Calatagan Medicare Hospital ang mag-ama pero idineklarang patay sa emergency room.

Samanta, ilang oras na hinanap ng mga bantay-dagat at pulisya si Pinto subalit natagpuan na lamang ito kinabukasan habang palu­tang-lutang ilang metro ang layo sa dalampasigan ng nabanggit na barangay.

Ayon sa mga residente, hindi naman umuulan pero makulimlim ang kalangitan na may malakas na hangin nang maganap ang insi­dente.

Show comments