6 miyembro ng gun-for-hire group, tiklo
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya ang anim na miyembro ng gun-for-hire group makaraang masakote sa inilatag na checkpoint sa Barangay Calubcub 1st sa bayan ng San Juan, Batangas noong Lunes ng gabi.
Kinilala ni Batangas PNP director P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel ang mga suspek na sina Romeo Alcazar, Enerico Ricafort, Redentor Coratchea, Nomeriano de Rama, Neil Ian Lualhati, at si Arturo Magnaye na mga residente sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Pablo Aguda Jr., hepe ng San Juan PNP, ang mga suspek ay sakay ng Toyota van (VCN-398) nang parahin ng mga operatiba sa itinayong checkpoint sa nasabing barangay.
Sa isinagawang inspeksyon, nasamsam sa mga suspek ang dalawang cal. 45 pistol, cal. 9mm pistol, cal. 38 revolver, cal. 40 pistol at mga bala na walang kaukulang papeles.
Sa tala ng pulisya, ang mga suspek ay daÂting miyembro ng Batang Kubo Gang na nabuwag sa bayan ng San Juan at kasalukuyang miyembro ng Boy Bata Gang na pawang gun-for-hire killer na nakabase sa nasabing bayan.
“Nandito sila sa San Juan matapos i-recruit ng mga illegal settlers sa Sitio Balacbacan, Barangay Laiya para ipanglaban ang napipintong demolition ng mga bahay,†paliwanag ni Aguda.
- Latest