Tulak tiklo sa P1-M shabu

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng bawal na droga ang nasamsam ng pulisya laban sa sinasabing drug pusher makaraang ilatag ang buy-bust operation sa isang hotel sa gitna ng university area sa Barangay Soyung, bayan ng Echague, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Melchor Ariola, hepe ng Echague PNP ang suspek na si Lourdes Paragod, 33, ng Barangay San Andres, Santiago City. Nasamsam kay Paragod ang 35-plastic sachets ng shabu na may kabuuang 175 gramo at ang mark money na ginamit sa operasyon.

 

Show comments