Pekeng PDEA agent, arestado

Diretso sa kulungan ang arestadong suspek na si Randy Marcelo matapos itong arestuhin ng pulisya dahil sa pagpapanggap na PDEA agent sa isang kasalan sa Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan. Kuha ni BOY CRUZ  

BULACAN , Philippines  - Kalaboso ang 40-anyos na pekeng agent ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos arestuhin ng pulisya sa dinaluhang kasalan sa Barangay Lolomboy, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Randy Marcelo ng Sampaguita Street sa Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Nathaniel Villegas, dumalo ang suspek sa marangyang kasalan at nagpakilalang si SPO3 Marcelo ng PDEA. Gayon pa man, naalarma ang mga bisita kaya ipinagbigay-alam sa pulisya kung saan nasakote naman ang suspek. Nasamsam sa suspek ang isang motorsiklo at bungkos ng pekeng pera kung saan sa beripikasyong isinagawa sa PDEA-Region 3 ay wala sa listahan ng mga agent ang suspek.

 

Show comments