Ex-mayor dinedo ng tandem

BATANGAS , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 57-anyos na ex-mayor makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins kahapon ng tanghali sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Arnulfo Rivera ng Barangay Calingatan at dating mayor ng Mataas na Kahoy mula 1998 hanggang 2001. Sa ulat na nakarating kay P/Senior inspector Alfredo Lorin Jr., hepe ng Mataas na Kahoy PNP, papauwi na si Rivera matapos dumalo ng misa sa chapel nang sundan at barilin ng gunman bandang alas-10 ng umaga. Naisugod pa si Rivera sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City subalit namatay din bandang alas-12:15 ng tanghali. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy ang pagsisiyasat.

 

Show comments