Mag-asawa dedo sa heat stroke

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Dahil sa matinding init ng panahon, namatay ang mag-asawang matanda sa loob ng kanilang bahay sa Delmar Compound, Barangay Bibingcahan sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Bandang alas-5:30 ng hapon nang matagpuang nakabulagta sa kanilang silid ang mag-asawang sina Macario Jaylo, 71; at Norma Jaylo, 66, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, huling namataang buhay ang mag-asawa noong Biyernes ng hapon (Mayo 30) kung saan hindi na lumabas ng kanilang bahay. Walang palatandaang sugat o anumang galos sa katawan ang mag-asawa kaya sinasabing namatay sa heat stroke ang dalawa matapos itong magkulong sa loob ng kanilang bahay.

Show comments