Barangay tanod pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 53-anyos na barangay tanod ng di-kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang misis sa Barangay San Leandro, bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kamakalawa. 
Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktimang si Maximo Ganal habang hindi naman idinamay ang misis nito. 
Nabatid na magkasamang naglalakad ang biktima at misis nito patungo sa kanilang pag-aaring palayan nang harangin at ratratin ng maskaradong lalaki.


 

Show comments