Magkaibigan tumba sa ambush

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Magkasabay na pinabulagta ang magkaibigang mister matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng kalsada sa Sitio Pastor, Barangay Caguscos sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng hapon. Kapwa napuruhan sa dibdib ang mga biktimang sina Rodel Argarin, 38; at Pepito Perillo, 56, mga nakatira sa nasabing bayan. Sa ulat ng pulisya, papauwi na ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo mula sa Barangay Macabugos nang tambangan bandang alas-4 ng hapon.

 

Show comments