Mister inutas ng bayaw

BULACAN, Philippines - - Dahil sa pinag-awayang pulutan sa inuman ay sinaksak at napatay ang isang mister ng kanyang bayaw habang ito ay natutulog sa Barangay Sta. Rosa, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bulacan Medical Center ang biktimang si Nilo Geneston habang nasakote naman ang suspek na si Dominador Plaza, 49, ng Evangelista Compound sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Marcos Rivero, magkatuwang na hinuhugasan ng magbayaw ang ilang parte ng katawan ng baboy para pulutanin sa kanilang inuman  nang mag-uwi ng karne ang biktima. Gayon pa man, sinita ito ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo kung saan binantaan ng biktima ang kanyang bayaw. Tiyempuhan naman ng suspek na natutulog ang biktima sa kanilang bahay saka isinagawa ang pamamaslang,

Show comments